• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
    • VI Vietnamese
Publication date Ago 13, 2026

He Sees Your Heart

Publication date Ago 13, 2026

Have you experienced failing in front of other people? Hindi lang ito nakakadismaya, minsan nakakahiya pa, hindi ba?

Noong bata ako, naging teacher ko mismo ang papa ko sa school. Dahil music ang subject niya, isinama niya ako sa isang school program. Tutugtog siya ng gitara habang kakantahin ko ang "It's a Small World." 

Practice kami nang practice. Halos kabisado ko na ang kanta. Ready na ready na ako sa araw ng program. Pero pag-akyat namin sa stage, may nangyari na hindi ko inaasahan.

Kinuha ng papa ko ang gitara niya. Nakatayo na ako sa harap ng microphone. Tinugtog na niya ang introduction ng kanta at sinenyasan akong magsimula. Pero ni isang salita, walang lumabas sa bibig ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Kahit anong pilit ko, hindi ko kayang kumanta o kahit magsalita lang.. Nandoon lang ang papa ko, tuloy-tuloy sa pagtugtog habang paulit-ulit akong sinisenyasan na magsimula. Hanggang matapos ang buong kanta, wala akong nasabing kahit isang salita. 

At umalis sa stage ang papa kong hindi ako kinausap. 

Naalala ko ang karanasang iyon dahil minsan, ganoon din ang pakiramdam natin kapag alam nating may nakatingin sa atin. Madalas, iniisip natin na mapapansin lang ng ibang tao ang mga mali natin, ang mga pagkukulang, at ang pagkakataong pumalpak tayo. 

Pero iba si Lord. 

Maaaring ang ibang tao ay sanay maghanap ng pagkakamali, pero ang Panginoon ay nakatingin sa puso natin. (1 Samuel 16:7) He sees what others cannot: the times we struggle, the times we fight to do what is right, and our intentions and motivations. 

Kailangan mo bang maalala ito ngayon, na si Lord ang tumitingin sa laman ng puso mo? Declare this with us: “Ikaw, Lord, ang nakatingin sa laman ng puso ko.” 

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark Cabag
Author

Advocate for fostering and adoption who loves both the mountains and city life!