He keeps saving you, ...again and again!
I'm sure isa ka din sa mga nawiwiling manood ng mga FB Reels. Have you seen a video of a person na naging instant hero dahil may na-rescue siya? Like ’nung may bagyo at sobrang laking baha dito sa Pinas—may mga taong sumikat dahil inuna nila ang iba kaysa sa sarili nila. May iba pa ngang nagbuwis ng buhay para makatulong sa iba, and most of us are touched when we see those moments of the goodness of humankind in those kinds of stories.
Do you know that’s exactly what Jesus did? Binigay Niya rin ang buhay Niya para maibalik tayo sa Kanya. And the interesting thing is, hindi iyon biglaan o wala sa plano ni Lord. Ang totoo, kahit noon pa—at kahit pa may nangyari kina Adam and Eve—naipangako na ng Panginoon na may ipapadala Siyang Tagapagligtas na Siyang mananalo laban sa kaaway. (Tingnan ang Genesis 3:15).
Ano ang kinalaman nito sa series natin na “He is the same yesterday, today, and forever”? We believe that seeing God give that promise at the beginning of time—and then seeing Jesus fulfill it two thousand years later—shows us na hindi nagbabago ang puso Niya para sa atin, at hindi nagbabago ang Kanyang pagiging Tagapagligtas. Sa umpisa pa lang ay gusto na Niyang iligtas tayo. Tagapagligtas na Siya noon, at noong dumating si Jesus, Tagapagligtas pa rin Siya.
And when we see that His being a Savior never changes, we can also see that it doesn’t change based on what we do. Hindi ba’t nakakatuwang isipin na kahit ano pa ang gawin natin, kaya pa rin Niya tayong iligtas sa kasalanan natin?
Let’s pray this, “Lord, thank You for being my everlasting Savior.”
Tandaan mo, isa kang miracle!