• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 11, 2026

He Is Moving For You!

Publication date Hun 11, 2026

How do you get in touch with someone na hindi mo nakikita araw-araw? Tinatawagan mo ba sila? Nagcha-chat? Do you send them Reels or memes? (Minsan, iyon na rin ang tahimik nating paraan para sabihing, “Naalala kita.”) 

We don’t always realize it, but when we remember someone, we usually do something about it—we reach out. 

May kaibigan ako na sobrang close sa tiyahin niyang nagtatrabaho abroad. Pero noong umuwi ito, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan at umabot sa punto na ilang buwan silang hindi nag-usap. Mas lalong naging mabigat ito sa kaibigan ko dahil nangyari ito habang papalapit ang araw ng kanyang kasal. Gusto na sana niyang makipag-ayos, pero nauunahan siya ng hiya. Baka raw isipin na kaya siya lumalapit ay dahil may kailangan lalo na’t may malaking gastusin sa kasal. Kaya kahit gustong-gusto niyang ayusin, hindi niya nagawa sa tamang panahon. Nagkaayos din naman sila… pero ilang buwan pa matapos ang kasal.

Bakit namin naikuwento ito? Dahil kapag may naaalala tayong tao, kadalasan ay may ginagawa tayo to get in touch with them. At ganito din pala si Lord. Sa Bible, kapag sinabing “and God remembered [whatever name],” hindi ito simpleng pag-alala lang, may kasunod iyong pagkilos.

Tingnan natin ang isang halimbawa nito sa Genesis, ang kwento ng malaking baha, kung saan si Noah (Noe) ang inutusan ni Lord na gumawa ng barko. 

Hindi kinalimutan ng Diyos si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig. Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan. Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw, at sa ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat. (Genesis 8:1-5 ASD) 

Pakiramdam mo ba parang nakalimutan ka na ni Lord? He never forgets you, and He wants to move on your behalf. 

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.