He Is Gentle
Have you ever met someone who seems to have something negative to say about almost everything? Ang hirap pakisamahan, di ba? Parang kahit anong gawin mo, may mapupuna. Pero kung magiging honest tayo, minsan… tayo rin pala iyon.
May mga season na parang ang dali nating mapansin ang mali ng ibang tao. Yung way nila magsalita, decisions nila, habits nila, parang ang daming kailangang ayusin. And before we know it, criticism becomes our default response.
Naalala ko noong maliit pa ang panganay naming anak. Napansin namin na mabilis siyang magreklamo. So we tried something simple. Gumawa kami ng "Thank You Book", made simply of small pieces of colored paper stapled together into a booklet. Then, everyday, we would draw a small picture of something we were grateful for that day.
Hindi naman nawala agad ang pagiging reklamador niya. But little by little, we were teaching his eyes to notice something else.
Siguro kailangan din natin iyon.
Sinabi Sa Bible, “For you will be treated as you treat others.” (Matthew 7:2 NLT) Mahirap pala talaga ang laging critical sa ibang tao. Because criticism can become a way of seeing the world. At minsan, may pinanggagalingan ito.
Baka lumaki tayong madalas mapuna, mapahiya, o maparamdamang hindi tayo sapat. Kaya natutunan nating maging harsh—sa sarili natin at sa iba. If we were frequently torn down when we were young, we might eventually learn to tear others down, too. Pwedeng nagiging harsh tayo sa iba dahil hindi rin natin naranasang may naging gentle sa atin.
Kaya paano kung magsimula tayo sa pagtingin sa Diyos?
He is not standing over us, looking for something wrong. He is tender, patient, and forgiving. Maybe the more we understand how gently God looks at us, the more gently we can learn to look at others.
Today, ask yourself: “Lord, ano ang gusto Mong baguhin sa paraan ng pagtingin ko sa iba?”
Tandaan mo, isa kang miracle!