He Chose You
Ano ba talaga ang sukatan ng halaga ng isang tao? Minsan kasi, parang ang mundo may sariling measuring tape.
Do we base it on a person’s achievements? His family life? His success in his career or business? At sa mundo ng social media, minsan pati dami ng followers, likes, at views nagiging sukatan ng halaga ng isang tao.
At kapag wala kang mga iyon, minsan maiisip mo, “May halaga ba talaga ako?”
Pero paano kung mali ang sukatan ng mundo? Kasi ang totoo, hindi mo kailangang patunayan ang halaga mo para maging mahalaga.
God is the author of your life. Siya ang pumiling likhain ka. Kilala ka Niya bago ka pa man makita ng mundo. At Siya rin ang pumiling mahalin ka.
Hindi meaningless ang buhay mo.
Sabi sa Salmo 139:15-16:
Nakita ninyo ang aking mga butonang akoʼy lihim na hubuginsa sinapupunan ng aking ina.Nakita na ninyo ako,hindi pa man ako isinisilang.Ang itinakdang mga arawna akoʼy mabubuhayay nakasulat na sa aklat ninyobago pa man ito mangyari.
Pause for a moment, at magpasalamat sa Panginoon sa paglikha Niya sa'yo. Let Him remind you na mahalaga ka.
Kung may boses na nagsasabing, “Wala kang silbi,” “Hindi ka importante,” o “Mas mabuting wala ka na,” huwag mong paniwalaan. Hindi iyon ang sinasabi ng Diyos tungkol sa’yo.
Kung ang Creator mismo ng universe ang nagsasabing your life matters, sino ba ang kokontra dito? Dahil ang totoo, isa kang blessing sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, sa mga taong nakakasama mo araw-araw. Isa kang daan na ginagamit ng Panginoon para maibigay Niya ang Kanyang pagpapala sa buhay ng ibang tao.
May mga taong hindi mo alam na napapalakas mo. May mga pusong naaabot mo. May purpose ang buhay na ipinagkatiwala sa’yo ng Panginoon.
Kaya, ano ang mga bagay na ginagawa mong sukatan ng worth mo—at ano kaya ang mangyayari kung titigil kang sukatin ang sarili mo gamit ang standards ng mundo at titingnan mo ang sarili mo kung paano ka tinitingnan ng Diyos?
Mahalaga ang buhay mo. May halaga ka sa Diyos. At sa pamamagitan ni Jesus, hindi mo kailangang patunayan ang worth mo para mahalin ka Niya.
Tandaan mo, isa kang miracle!