have you failed the Lord? 🫣

To be betrayed by someone — isang bagay na ayaw maranasan ng kahit sino. Sobrang sakit lalo na if you had a friend who ended up turning against you, or a family member from whom you expected help but who turned away. Ikaw, have you ever been betrayed?
Why are we bringing this up today? As we close our mini-series, “Mga Resulta ng Kabaitan ni Jesus,” tingnan natin ang nangyari kay Simon (na huling tinawag na Peter). Isa siyang alagad ni Jesus na kilalang laging may kasamang manok sa mga statues niya. Dahil ito sa nangyari noong gabing hinuli si Jesus at bago Siya hatulan ng kamatayan. Jesus knew in advance what would happen. Sinabi Niya kay Peter na bago pa tumilaok ang manok ng pangalawang beses sa gabing iyon, tatlong beses niyang ikakaila na kilala niya si Jesus.
Pero sa pag-uusap nila, may unang sinabi pala si Jesus kay Peter. Let’s read this aloud:
“Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo. Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.” (Lucas 22:31-32 ASD)
Naku, nagkatotoo nga ang sinabi ni Jesus, noong gabing hinuli si Jesus, Peter did deny that he knew Jesus. Pero pagkatapos, habang nangingisda si Peter kasama ang ibang disciples, nagpakita si Jesus sa kanila after He rose from the dead. Kinausap Niya si Peter at tinanong kung mahal Siya nito. Binigyan siya ng pagkakataon para ipakita na mahal nga niya si Jesus. At… si Peter pa ang naging unang lider ng simbahan ni Jesus! Ito ang resulta ng kabaitan ni Jesus sa kanya!
Tandaan mo, isa kang miracle!

