Has He changed your life?😊 The answer might surprise you.

Magsisimula tayo ng mini series ngayon na tatagal lang ng apat na araw to reflect on the topic “Mga Resulta ng Kabaitan ni Jesus”—specifically in the lives of some of the people He encountered during his earthly ministry. Pero may tanong muna ako sa’yo: have you encountered the kindness of Jesus in your life?
Today, aalamin natin ang nangyari sa buhay ng isang taong ayaw ng lahat — si Zaccheus. Kung matagal ka nang subscriber ng May Himala Every Day, tiyak na narinig mo na ang kanyang pangalan. Kung hindi pa, that’s okay! Si Zaccheus ay isang tax collector, at alam natin na sa panahon ni Jesus, ang mga katulad niya ay kilalang sakim at mandaraya — that is why everyone hated him. Pero noong dumating si Jesus sa kanilang bayan, ninais talaga niyang makita Siya. Umakyat pa siya sa isang puno para lang masigurong makikita niya si Jesus. And guess what? Jesus saw him too — and He even asked if they could go to his house for a meal.
At dahil sa kabaitan at pagpapatawad ni Jesus sa kanya, ganito ang sinabi ni Zacchaeus:
“Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya man ako, ibabalik ko sa kanya nang makaapat na beses ang kinuha ko sa kanya.” (Luke 19:8 ASD)
Can you imagine what would cause a tax collector, na laging gutom sa pera, na gawin ito? Pero hindi ito nakakagulat, dahil ang Bible mismo ang nagsasabi nito. Let’s read this aloud:
…God’s kindness leads you to repentance [that is, to change your inner self, your old way of thinking—seek His purpose for your life]? (Romans 2:4 AMP)
Hindi ba ganito nga ang nangyari kay Zacchaeus? Ikaw ba, in what way has God’s kindness led you to change your life? Share it with us through email!
Tandaan mo, isa kang miracle!

