Has Anyone Fought for You?😎
Ang pagiging maalaga ay hindi lang doing things for others, it’s also about paying attention, noticing needs, at showing love kahit sa maliliit na paraan. Simple things or gestures can show that you care. Pero alam mo bang may isa pang paraan ng pag-aalaga? And it’s when someone fights our battles for us… with us. Hmmm… do you have someone like that in your life who truly cares for you?
Nangyari ito sa mga Israelites, ang mga tauhan ng Panginoon, sa panahon nina Moses at Joshua. Basahin natin ang ipinangako ng Diyos kay Joshua noong panahong siya na ang magiging bagong pinuno ng Israel:
“Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mangunguna sa mga taong ito sa pagpunta at pagsakop sa lupaing ipinangako ng Panginoon sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila. Tutulungan mo silang angkinin ang lupain. Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.” (Deuteronomia 31:7-8 ASD)
Nakikita mo ba? Gaya ng pagtulong Niya kay Joshua at sa mga Israelites, na pinangunahan at sinamahan Niya talaga, handa rin Siyang samahan ka. At pangako Niyang hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Naranasan mo na ba ito sa buhay mo?
Kung oo, pwede mo ba itong ikuwento sa amin by sending an e-mail? We’d love to hear about it. Kung hindi mo pa ito nararanasan, pwede ka pa ring mag-e-mail, at tutulungan ka naming manalangin sa Kanya tungkol dito. One of our e-coaches will be happy to answer you.
Pwede mo rin itong dasalin, Lord, I want to know what it means to have You fight my battles for me. Thank You that You are the God who takes care of me and wants to be involved in the things that are important to me.
Tandaan mo, isa kang miracle!