Handcrafted by God—so no, you’re not a mistake!
Sensitive ka ba sa comments ng ibang tao? Ang iba kasi, nonchalant—walang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng iba. ’Yung iba naman, secretive—nasasaktan na pero nakangiti pa rin. Alin ka dito?
I have this one friend na passion talaga niya ang teaching and training people. But in her current job, may mga taong hindi mapigilang mag-drop ng random negative comments. Dahil dito, nagkakaroon siya ng double thoughts kung tama ba ang career na pinili—kahit na gustong-gusto niya ito. Nalulungkot ako kapag nakakarinig ng mga ganitong kwento, where people’s unhelpful comments cause self-doubt in others.
That’s why we’re starting a new series this week entitled, “Not a Mistake!” Dahil alam naming kapag laging may masamang sinasabi ang iba sa atin, madaling isipin na isang pagkakamali ang buong pagkatao natin.
Pero ano ba ang sabi ni Lord tungkol dito? Let’s read this verse:
Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. (Salmo 139:13-14 ASD)
Nakikita mo ba? Kung si Lord ang humugis sa iyo sa sinapupunan ng iyong ina, pwede ka pa bang maging pagkakamali? Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao tungkol sa iyo, mas mahalaga ang sinasabi ni Lord. At sa Kanyang paningin, nilikha ka Niya, hinugis ka Niya, at ang pagkakalikha Niya sa iyo—tunay na kahanga-hanga!
Let’s pray this together, “Lord, teach me to listen to what You say about me, not what other people say. Gusto kong makita na hindi ako pagkakamali para sa Iyo. Thank You, Jesus, that You know me intimately. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!