• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 9, 2025

Gutom ba ang puso mo? 🤤

Publication date Ago 9, 2025

Friend, do you sometimes feel an aching emptiness in your heart? That you’re looking for something to satisfy you, pero kahit ano ang hanapin mo —relationships, career, family— parang kulang pa din? 

Hindi ka nag-iisa. Ang titingnan nating kwento ngayon, in our series, “Ang Kabaitan ni Jesus,” is about a woman who has been through several relationships but still doesn’t feel satisfied. Sa panahong iyon, kaaway ng mga Judio ang mga taga-Samaria at wala sa mga ito ang gustong dumaan sa Samaria. Pero si Jesus ay dumaan doon. 

Basahin natin sa kwentong ito: 

Tumuloy naman ang mga alagad niya sa bayan para bumili ng pagkain. Dumating ang isang babaeng taga-Samaria para umigib. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Puwede bang makiinom?”

Sumagot ang babae, “Kayo po ay isang Hudyo at ako namaʼy Samaritana. Bakit po kayo humihingi ng maiinom sa akin?” (Sinabi niya ito dahil hindi nakikihalubilo ang mga Hudyo sa mga taga-Samaria.)

Sinabi ni Hesus sa babae, “Kung alam mo lang ang ipinagkakaloob ng Diyos, at kung sino ang humihingi ng maiinom saʼyo, baka ikaw pa ang manghingi sa kanya at bibigyan ka ng tubig na nagbibigay-buhay.” (Juan 4:8-10 ASND

Kung babasahin mo ang buong kwento sa Gospel of John, may karugtong ang kanilang pag-uusap kung saan ipinatawag ni Jesus ang asawa ng babae. Sinabi nito na wala siyang asawa—yun pala, nagkaroon na ito ng limang asawa, at ang huling lalaki na kasama niya ay hindi na niya asawa. 

Bakit mahalaga ang mga detalyeng ito? Dahil nagbibigay ito ng malinaw na larawan kung ano ang pinagdaanan ng babaeng taga-Samaria. Isipin mo, ano kaya ang kakulangan sa puso niya? Kaya pala pinili Niyang dumaan sa Samaria sa araw na iyon, because He wanted that Samaritan woman to encounter His love.

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.