Gusto Mo Bang Manalo?
May tanong ako sa’yo: How do you really see your life?
Maybe from the outside, everything seems okay. You keep going, you do what needs to be done, and you smile when people ask how you are. Pero deep inside, may part sa’yo na nakakaramdam ng defeat, failure, or dissatisfaction. And sometimes, hindi na lang ito temporary self-pity. Baka matagal mo nang dala ang belief na your life will always be this way.
Pero alam mo bang gusto ng Panginoon ang pinakamabuti para sa’yo? Hindi Niya gustong manatili kang bihag ng sakit, takot, o kawalan ng pag-asa.
Sabi sa Salmo 118:5-6 ASD:
Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.Kasama ko ang Panginoon,kaya hindi ako matatakot.Ano ang magagawa ng tao sa akin?
Napakaganda, ‘di ba? May kapangyarihan ang Panginoon na bigyan ka ng kalayaan.
Sabi rin ni Stormie Omartian sa librong Lord, I Want to Be Whole, bawat karanasan ng kalayaan ay nagiging daan para maranasan pa natin ang mas marami pang kalayaan sa hinaharap. They build upon one another hanggang sa masanay tayo at maging bahagi na ng buhay natin ang kalayaan at paggaling.
So, start where you are. Subukan mong gawin ito:
-
Isulat mo kung ano ang masakit;
-
Ikwento mo lahat sa Panginoon;
-
Itakwil ang mga kasinungalingan ng kaaway at maglakad kasama ang Panginoon, knowing He is by your side.
You can pray this:
“Lord, alam kong maganda ang plano Mo para sa buhay ko. Heal and restore me. Turuan Mo akong mamuhay nang matagumpay at sundin ang puso Mo. In Jesus’ name, amen.”
Tutulungan ka Niyang maranasan ang healing, restoration, at kalayaang matagal mo nang hinahanap.
Tandaan mo, isa kang miracle!