Friend, gusto mo bang maging peacemaker?✌️
Kapag may mga kaibigan, kapamilya, kaklase, o katrabaho kang nag-aaway, ano ang malimit mong ginagawa?
Noong bata ako, meron akong dalawang best friends na nag-away. Dahil gusto kong tulungan— at siguro dahil din sa hindi ako komportable na hindi sila nag-uusap sa klase— ako na ang pumagitna sa kanila para tulungan silang magkaayos. Pero alam mo ba ang nangyari? Ako pa ang inaway nila! Simula noon, I’ve learned to think twice before I get involved in other friends’ conflicts.
Pero noong nakilala ko si Jesus, nakakagulat na may sinabi pala Siyang ganito:
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos. (Mateo 5:9 ASND)
Even though I was probably immature that time and didn’t really know how to make peace between my friends, iyon pala ang isang paglalarawan ng Kaharian ng Diyos. Pero tama, mahirap ang magtaguyod ng kapayapaan; gaya ng naranasan ko, hindi naging maganda ang naging resulta. It’s also really true that the people we’re trying to help might even misunderstand us or hate us! Baliktad nga talaga ang Kaharian ng Diyos. Dahil tinatawag Niya tayong gawin ang mahirap dito sa mundo, na maaaring walang maging magandang resulta sa atin.
Pero alam mo ba kung ano ang turing ng Panginoon sa mga taong gumagawa nito? Ituturing Niya daw silang mga Kanyang anak. Ang ganda ng pangako Niya, di ba?
Siguro, mas makakaya nating gawin ito kapag natuto din tayo ng healthy communication. Halimbawa, sa pamilya namin, may panahong lagi kaming nag-aaway ng panganay naming anak. Sa panahong iyon, si Mark ang aming laging peacemaker. But because we all learned (and keep learning) how to communicate healthily, mas nakakatulong ito sa relasyon namin.
You can make a decision now to pursue peace in your relationships. Isa kang miracle!