Gusto mo bang magbagong buhay? 😎

Friend, ilang beses ka bang nagsumikap na magbagong buhay? Mayroon sa ating naging matagumpay sa pagtanggal ng mga bisyo, pero hindi ito madali, hindi ba?
Marami din kaming mga ginagawa noon na hindi nakabubuti. For example, noong nag-aaral pa lang ako, lagi din kaming umiinom ng mga barkada ko. May panahon ding parang laging naghahanap ng babaeng makakasama, dahil naghahanap ako ng taong mamahalin na magmamahal din sa akin. This was before I got to know Jesus. Noong nakilala ko si Jesus, unti-unting nagbago ang buhay ko, lalo na ng malaman kong may nagmamahal pala sa akin nang walang pagbabago.
We have good news, Friend. Noong namatay si Jesus at muling nabuhay, isang pangako ito na maaari tayong magkaroon ng bagong buhay. Basahin natin itong nakasulat sa Bibliya:
Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay. (Roma 6:4 MBB05)
Nakikita mo ba, Friend? Noong namatay at inilibing si Jesus, ang lumang sarili natin ay namatay din at nalibing na kasama Niya; at nang mabuhay Siyang muli, tayo rin ay nabigyan ng bagong buhay.
Although we can’t see the results instantly, maaari nating paniwalaan na nangyari ito spiritually and will manifest physically. Ganoon din ang nangyari sa akin; hindi kaagad na nawala ang aking mga bisyo, pero sa paglipas ng panahon, makikita ring iba na ang aking pamumuhay simula ng maging tagasunod ni Jesus.
Ikaw ba, Friend, nais mo rin ba ang bagong buhay na ito? Maaari mong dasalin ito, “Jesus, salamat at namatay ka para sa mga kasalanan ko. At dahil nabuhay Kang muli, ako rin ay namatay at nabigyan Mo ng bagong buhay. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

