Gusto mo ba ng busilak na kalooban?❤️🔥
Ngayong araw, ipagpatuloy natin ang ating series na “Ang Kahariang Bali-baliktad.” At magiging medyo seryoso ang ating pag-uusapan ngayon, dahil may isa pang aspeto ng Kaharian ng Diyos na kakaiba sa kaharian ng tao. This is the topic of purity of heart.
Sa panahon ngayon, maraming pagkakataon upang mawala sa atin ang purity of heart. Maaaring mangyari ito kapag nagtanim tayo ng poot sa ating kapwa, which can happen dahil nasaktan tayo, at marami pang pwedeng maging ibang dahilan. We might also lose this purity of heart from the things we feed our minds on: baka may mga pinapanood tayong mga pelikula or videos that defile our hearts. Or we might pollute our minds by engaging in gossip about other people.
Napakaraming paraan para mawala sa atin ang purity of heart. Pero basahin natin ngayon ang isa pang paglalarawan ni Jesus ng Kaharian ng Diyos:
Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos. (Mateo 5:8 ASND)
Nais mo bang makita ang Diyos? Ito pala ang nakataling kondisyon. Maybe it’s time we made a commitment to pursue purity, believing that as we pursue it, we can see more of God. Hindi dahil nating kaya “bilhin” ang pagkakataong makita Siya, kundi dahil mas nagiging maliwanag ang ating paningin kapag alam nating tayo’y naglalakad sa landas na pinili Nya para sa atin.
Isang challenge lang: meron ka bang pinapanood sa mga panahong ito na alam mong hindi nakakatulong sa paglapit mo sa Panginoon? Baka pwede mong ibigay ito kay Lord, at sabihing, “Lord, hindi ito nakakatulong sa akin. Ibinibigay ko ito sa Iyo, ayoko nang malulong ulit dito. Gusto kong maging busilak ang kalooban ko.”
Kung kaya mong gawin ito, congratulations sa pagpili kay Lord.
Tandaan mo, isa kang miracle!