Gusto mo ba ng buhay na walang hanggan? 🤗

Friend, mahilig ka ba sa mga stories ng mga taong walang kamatayan? May panahong naging uso ang mga vampire love stories, like the book series Twilight that was made into a movie. Posible kayang isa sa mga dahilan kung bakit madaming taong nalulong dito ay dahil ginawa tayo ni Lord “with eternity in our hearts”? This means that, from the very start, all of us have a longing for life forevermore.
Meron kaming good news sa iyo, Friend: dahil kay Jesus, talaga ngang maaari tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan. “Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16 ASND)
At higit pa doon, maaari tayong magkaroon ng pag-asa ng buhay na walang hanggan, bago pa tayo mamatay. Do you see the difference, Friend? Not only will we have eternal life, we can have the hope and assurance of eternal life even now while we live on earth.
Basahin din natin itong nakasulat sa Bibliya:
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?” (Juan 11:25-26 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Si Jesus ang Siyang bumubuhay ng mga namatay, at sabi Niya, lahat tayong sumasampalataya sa Kanya, kahit na dumating ang araw na mamatay tayo, muli Niya tayong bubuhayin. Hindi ba napakagandang balita nito?
Ikaw ba, Friend, natatakot ka bang mamatay? Isaisip mo na kapag sumasampalataya ka kay Jesus, muli Ka niyang bubuhayin sa pagbabalik Niya sa sanlibutan.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

