Guess what? Your little acts matter to Him.
aware ka ba, o may kilala ka bang mga taong napakalaki ang naitulong o may big impact sa iba? Like celebrities who build hospitals, orphanages, and water systems in places like Africa; Christian leaders who preach to tens of thousands in packed stadiums; or, in this age of social media, influencers whose advice reaches millions of followers.
Pero alam mo bang hindi naman ganoon ang hinahanap ni Lord sa iyo? Akala natin, ang pagtulong sa iba o ang paglilingkod sa Panginoon ay base sa laki at dami. Pero ang pagiging mapagkakatiwalaan ni Lord ay mas mahalaga at madalas na nakikita sa mga maliliit na bagay. Paano ba tayo sa mga bagay na hindi napapansin ng maraming tao? Paano ang pagtrato natin sa mga itinuturing na pinakamababa sa paligid natin?
Let’s read this verse together:
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang magbigay sa inyo ng kahit isang basong tubig, dahil kayo ay sa Mesias [na kay Jesus], ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala. (Marcos 9:41 ASD)
Nakikita mo ba? Hindi pala naghahanap si Lord ng mga grandiose acts of service. Kahit ang pinakamaliit na bagay, like in this example, ang pagbibigay ng kahit isang basong tubig because we belong to Him—has value for Him. Sinabi pa nga dito na bibigyan Niya ito ng gantimpala. Ibig sabihin, mahalaga sa Kanya ang mga ito.
Ikaw ba, in what ways can you be faithful in little things, like when no one is watching, but you still do them out of love for Him? Ito ang mga nakikita ni Lord at ang gustong-gusto Niyang bigyan ng gantimpala.
Today, let’s pray this together: “Lord, tulungan Mo akong maging mapagkakatiwalaan sa pinakamaliit na bagay. Gusto kong maging source of joy for You. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!