Guess what? Loving God is 100% doable! 🥰

When I started following Jesus, lagi kong naririnig sa simbahan “na kailangan kong mahalin si Lord above all”. Pero to be honest, hindi ko talaga 'yun na-prioritize. Inuna ko pa rin yung ibang bagay over Him. Kaya naging big question sa’kin: paano nga ba mahalin si Lord?
A few months after I started asking that question, nagkaroon ng Encounter Weekend retreat ang simbahang sinasalihan ko. I joined, and there, I experienced the love of Jesus. Nang matapos ito, naging mas madali para sa akin ang mahalin din Siya.
Totoo pala ito, basahin natin ang nakasulat sa Bible:
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. (1 Juan 4:19 ASD)
Now I get it— mahirap palang mahalin si Lord noong una dahil hindi ko pa alam kung gaano Niya ako kamahal. When I experienced this, and by continuing to learn more about how much He loves me, I was able to love Him back.
At hindi lang ibig sabihin nito na iniibig natin ang Diyos at wala nang iba; this also results in us loving others — as we’ll see in the next verse:
Ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Kristo: Ang taong umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid. (1 Juan 4:21 ASD)
Kaya pala ang lakas ng epekto ng pagmamahal ng Panginoon sa atin — nagagawa nating mahalin Siya pabalik, at nagagawa rin nating mahalin ang ating kapwa.
Kung nasa sitwasyon ka ngayon kagaya ko dati, at hindi mo pa nararamdaman na mahal mo si Lord, pwede mong dasalin ito: “Lord, ipakita Mo sa akin kung gaano Mo ako kamahal, dahil gusto rin kitang mahalin at mahalin ang aking kapwa. Tulungan Mo ako. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

