Grabe! Kita ka pala ni Lord! 👀

May mga araw talagang parang invisible tayo sa mundo, walang nakakapansin sa bigat na dinadala mo. Ang sakit ‘non!
Alam mo bang nakaramdam din ng ganito ang mga disciples ni Jesus? As we continue our series this week, “Mga Piniling Alagad ni Jesus,” tingnan natin ang kuwento ni Natanael, na kaibigan ni Felipe. Naunang tinawag ni Jesus si Felipe na maging alagad, at agad naman nitong hinanap ang kaibigang si Natanael upang ibalita na natagpuan na nila ang taong magliligtas sa Israel. Pero nang marinig ni Natanael na taga-Nazareth si Jesus, ayaw nitong maniwala, kaya dinala siya ni Felipe kay Jesus.
Basahin natin ang sumunod na nangyari:
Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”
Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?”
Sumagot si Hesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos.”
Sinabi ni Natanael, “Guro, kayo nga ang Anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel!” (Juan 1:47-49 ASD)
Nakikita mo ba? Nang sinabi iyon ni Jesus, may tinamaan sa puso ni Natanael na walang nakakita. Hindi man natin eksaktong alam kung ano ito, pero ang sigurado, naramdaman niyang nakikita Siya ni Jesus— agad siyang sumamba sa Kanya.
Ikaw ba, kailangan mo rin bang malamang nakikita ka ni Jesus? Kung nagawa Niya ito kay Natanael, magagawa Niya rin ito sa iyo. Pwede mong dasalin ito, “Lord, pakiramdam ko ngayon walang nakakakita sa akin, lalo na sa ganitong sitwasyon: ________. Iparamdam mo sa aking nakikita Mo ako. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

