• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 5, 2025

Grabe ang ginawa ni Jesus dito, 💪

Publication date Ago 5, 2025

Friend, naaalala mo ba noong COVID time? Lahat tayo ay kailangang naka-mask noon, laging maghugas ng kamay, at kung nagpositive ka naman dito, you need to be quarantined and avoid all contact to prevent from spreading the virus. And if you experienced this that time, hindi ba’t ang lungkot na walang ibang pwedeng humawak o lumapit sa’yo — lahat ng ibibigay, kailangang iwan lang sa pintuan?

Kung naranasan mo ito, may ideya ka kung ano ang naramdaman ng mga may leprosy sa panahon ni Jesus. They were treated as outcasts, because anyone who touched a leper was also considered unclean. Pero tingnan natin itong verse: 

Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nyo ako upang maituring akong malinis.”

Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis. (Marcos 1:40-42 ASND)

Aba, kahit walang gustong humawak sa taong may ganoong sakit sa balat, ano ang ginawa ni Jesus? Una, naawa Siya. Pwede namang pagalingin Niya ito sa pamamagitan lang ng Kanyang salita — He has done this in other cases. But for this man with leprosy, whom no one dared to touch, Jesus did the unthinkable: He touched him. 

Kung ikaw ang may sakit na nilalayuan ng marami, ano kaya ang mararamdaman mo kapag hinawakan ka ni Jesus? I’m certain you’ll feel touched. Ang bait ni Jesus. He didn’t just heal the leper’s physical illness, but He also healed his heart. 

Ikaw ba, Friend, may kailangan ka bang healing na alam mong makukuha mo lang sa kabaitan ni Jesus? You can ask Him: “Lord, kailangan ko ang iyong kabaitan for _____. Pwede mo bang ipakita sa akin ito?” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.