God’s Training Camp: Are You Ready?
Have you ever wondered what it takes to become stronger? Imagine going through a year of intense training, just like in the military!
May kakilala kami na sumailalim sa isang training na halos parang military boot camp. Kwento niya, may isang buwan silang dumaan sa matinding hirap habang nasa kagubatan. Imagine, matagal silang hindi nakakaligo o nakakapalit ng damit at sapatos! Can you believe, by the time he took his feet out of his shoes, may tumutubo nang fungus na mukhang mushroom? Naku, grabe!
Pero alam mo ba, may mga seasons din sa buhay natin na parang sumasailalim tayo sa training camp?
Of course, hindi naman ibig sabihin na gusto ng Diyos na magdusa o mahirapan tayo. Pero ginagamit Niya ang mga karanasan natin para turuan tayo, hubugin ang ating pagkatao, at ihanda tayo sa mga bagay na darating. Just like professional athletes, kailangan din nilang dumaan sa intense training bago sila maging handa sa kanilang laban.
At aminin natin, hindi madaling dumaan sa ganitong season. Minsan, physically, emotionally, at mentally exhausted na tayo. Parang bawat bahagi ng buhay natin ay under pressure, at pakiramdam natin, malapit na tayong bumigay.
Basahin natin ang paalala ng Salita ng Diyos:
Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok. (2 Mga Taga-Corinto 4:8-9 ASD)
Napakagandang paalala nito, hindi ba? Maaari tayong mapagod, malito, at makaranas ng matinding pressure, pero hindi natin kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.
Kasama natin ang Diyos sa bawat hakbang, tulad ng isang coach na patuloy tayong ginagabayan sa gitna ng training. Hindi man natin maintindihan ang lahat ngayon, maaari tayong magtiwala na tutulungan Niya tayong harapin ang bawat araw.
Inihahanda ka ng Ama sa langit para sa kinabukasan mo. Alam Niya kung ano ang kaya mo, at hinding ka Niya pababayaan.
Kaya, sa mga pagsubok na pinagdadaanan mo ngayon, paano mo maipapakita na nagtitiwala ka sa Diyos habang hinuhubog ka Niya?
Tandaan mo, isa kang miracle!