God Is For You
May mga pagkakataon ba na tahimik kang nagtatanong sa sarili mo, “Mahalaga ba talaga ako sa Panginoon?”
Lalo na kapag may pinagdadaanan ka at parang walang nagbabago. Nagdarasal ka, naghihintay ka—pero parang tahimik ang langit. Walang malinaw na sagot. Walang obvious na senyales.
Sa series natin this week, “God Wants to Talk with You,” pag-uusapan natin ang iba’t ibang paraan kung paano nakikipag-usap ang Panginoon sa atin. Minsan, naririnig natin Siya habang nananalangin tayo. At may mga pagkakataon din na hindi Niya kailangang magsalita nang direkta—maaari Niya tayong kausapin sa pamamagitan ng pagkilos Niya para sa atin.
Isipin natin si David.
Kahit mga bata, pamilyar sa kwento ng isang batang pastol na humarap sa isang higante. Isang eksenang parang alam mo na agad kung sino ang mananalo. (Mababasa mo ang buong kwento sa 1 Samuel 17)
Sa isang side, si Goliath—isang bihasang mandirigma, malaki, malakas, at armado. Sa kabilang side, si David—isang batang pastol na walang espada o armor. Ang dala niya? Isang tirador at limang makikinis na bato.
Kung pagbabasehan ang laki, lakas, at armas, parang wala talagang laban. Pero may isang bagay si David na hindi kayang sukatin ng laki o lakas: kilala niya ang Panginoon.
At alam natin kung paano nagtapos ang kuwento:
Kaya tinalo ni David ang Filisteo sa pamamagitan lang ng tirador at isang bato. Napatay niya si Goliat kahit wala siyang dalang espada. (1 Samuel 17:50 ASD)
Isang bato. Isang tirador. Isang higante. At isang Diyos na kumilos.
Ano ang problemang hinaharap mo ngayon na alam mong kayang gawan ng paraan ng Panginoon? Ikwento mo ito sa Kanya. At habang hinihintay mo ang sagot, baka makita mo ang involvement Niya sa mismong paraan kung paano Niya ito tutugunan.
Dahil minsan, ang sagot sa tanong na “Lord, mahalaga ba ako sa Iyo?” ay hindi isang naririnig na boses. Minsan, ang sagot ay ang mismong pagkilos Niya sa buhay mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!