• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 29, 2025

God is calling you kahit bagets ka pa! 😎

Publication date Ago 29, 2025

Minsan ba, kahit hindi sinasadya, may mga taong nagpaparamdam sa iyo na napakabata mo pa para sa mga usaping pananampalataya o tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Diyos? Na para bang ang mga nakatatanda lang ang may alam kung ano ang gusto Niya para sa kanila—at sila lang din ang Kanyang pwedeng gamitin. Minsan pa nga, those who are older might—unconsciously—look down on those who are younger.

Kaya natutuwa kami na sa series natin ngayong linggo, “Mga Taong Sinalubong ni God,” ay malalaman natin ang kwento ng batang si Samuel—na sa murang edad pa lamang ay tinawag na siya ni Lord.

To give you a quick background, ipinanganak si Samuel kay Hannah—isang babaeng matagal nang naghihintay na magkaanak—sa panahong ang mga religious leaders ng Israel ay kilala sa kanilang kasamaan.Ipinangako ni Hannah sa Panginoon na kapag binigyan Siya ng anak, iaalay niya ito pabalik sa Kanya. Kaya’t bata pa lang si Samuel, nakatira na ito kasama ang paring si Eli.

Basahin natin ito:

Isang gabi, natutulog si Eli sa kanyang kuwarto. Hindi na siya gaanong nakakakita. Si Samuel naman ay doon natutulog sa bahay ng Panginoon kung saan naroon ang Kahon ng Diyos. At habang nakasindi pa ang ilawan ng Diyos, tinawag ng Panginoon si Samuel. (1 Samuel 3:2-3 ASD)

The funny thing is, Samuel thought it was Eli who was calling him, kaya pumunta siya rito. Tatlong beses pa itong naulit bago na-realize ni Eli na ang Diyos pala ang tumatawag kay Samuel. Saka niya ito sinabihan: “Bumalik ka na ulit at matulog, kung tatawagin ka ulit, sabihin mo, ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig ang inyong lingkod.’ (1 Samuel 3:9 ASD)”

Ikaw, may sinasabi ba ang Panginoon sa iyo na hindi mo alam na Siya na pala ang nagsasalita? Dasalin mo kaya ang katulad ng sinabi ni Samuel, “Magsalita po kayo, Panginoon, nakikinig ako. Amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.