Glow up your relationships - talk healthy.đź’¬
Ngayong Pasko, habang marami nang salu-salo with family and friends, tiyak na mapapansin mo kung may hindi pagkakasundo within the group. Alam naman natin na hindi iisa ang solusyon sa mga problema sa relasyon. Pero may ilang mga nakagawian tayong mga Pinoy na maaaring idagdag sa mga ito, at nakaka-relate din kami dito, bago pa namin natutunan ang healthier ways of dealing with relationships.
Question, when someone hurts you, ano ang unang naiisip mong gawin? Kung katulad ka sa karamihan ng mga kababayan natin, baka ang una mong gawin ay maghanap ng kaibigan kung saan pwede mong ilabas ang sama ng loob. We don’t mean to start trouble—kadalasan gusto lang natin mailabas ang nararamdaman. Pero isa rin pala ito sa mga dahilan kung bakit lalong lumalalim ang poot.
What’s the healthier way we’ve learned to deal with this? Nakasulat pala ito sa Bible:
Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan… (Mateo 18:15 ASD) Â
Nakikita mo ba? Mas mabuti pala na lapitan ang taong nagkasala at mapag-usapan nang maayos ang sitwasyon. Of course, the goal isn’t to point out their fault; a healthier way is to calmly approach the person and share how you feel about what happened. This lets you acknowledge your role in what happened.
The next time a close friend or family member does something that hurts you, pwede mong i-practice ito, “I feel ____ when you did _______.” This way, you don’t blame the other person; ipinapaalam mo lang ang naramdaman mo.
Tandaan mo, isa kang miracle!