Get to know God’s design for you!
Growing in God,” parang ang lalim di ba? Alam mo bang ang lawak pala ng ibig sabihin ng growing in our relationship with God? Hindi lang ito basta pagdarasal o pagsisimba—it's about connecting with Him, learning from His Word, at letting His guidance shape your life.
Today as we continue our series, we want to focus on the importance of understanding and embracing His original design for us.
Bakit ito mahalaga? Dahil ito ang nakasulat sa Bible na first and second commandment:
Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ (Mateo 22:37-39 ASD)
Dito natin makikitang hindi pwedeng tanggalin ang pagmamahal sa Diyos at ang pagmamahal sa kapwa, tulad ng pagmamahal sa sarili. Pero kung hindi natin kilala o mahal ang sarili, we can try to love others, but we will still be weighed down by a sense of being unlovable, which can impact how we treat others.
Kaya mahalaga palang malaman natin ang Kanyang original design for us. This includes our personality, strengths and weaknesses, communication styles, and everything that makes us uniquely us.
Pag-isipan natin ang mga ito habang binabasa ito:
Kilala ninyo ako, dahil kayo ang lumalang sa akin.Kayo ang humubog sa akin sa sinapupunan ng aking ina.Pinupuri ko kayo sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.Alam na alam kong ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.Nakita ninyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hubugin sa sinapupunan ng aking ina. Nakita na ninyo ako, hindi pa man ako isinisilang. (Salmo 139:13-16 ASD)
Tandaan mo, isa kang miracle!