• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Abr 21, 2026

Ganito Pala Magmahal at Mag-alaga ang Isang Ama…🥳

Publication date Abr 21, 2026

Sabi nga, hindi madaling maging magulang. Hindi lang ito tungkol sa pagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng mga anak. It’s also about guiding, protecting, and nurturing their hearts and minds. Pero kahit ano pa man, alam nating napakahalaga ng role ng parents sa buhay ng kanilang mga anak. Ano sa tingin mo ang pinakamahalagang ginagawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak?

Hindi perpekto ang mga magulang natin, at tayo rin, hindi rin magiging perpektong mga magulang sa ating mga anak o magiging anak. But the reason we bring up the topic of families is that, in our series “Siya ang Nag-aalaga sa Iyo,” titingnan natin ang isang aspeto ng pag-aalaga, at ito ay ang pag-aalaga ng magulang sa isang anak.

Basahin natin itong nakasulat sa Bible: 

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! (1 Juan 3:1 ASD

Nakikita mo ba? Hindi lang pala Niya tayo inaaalagaan bilang mga tauhan o alagad Niya, kundi bilang mga mahal na anak. Iba ang pagtrato ng isang Amo sa Kanyang mga alipin kaysa sa sariling anak. Makikita natin ang pagkakaiba sa pagtrato ng ama sa anak na naglayas at bumalik, sa kuwento sa  Luke 15. Noong bumalik ang anak, naisip niyang sabihin sa ama na gawin na lang siyang parang utusan.

Ngunit ano ang ginawa ng ama? Pinabihisan ang anak ng pinakamagandang damit, nilagyan ng singsing, at sinuotan ng sandalyas. Naghanda pa ito ng salu-salo dahil nakauwi na ang anak niya. (Lucas 15:22-24

Ganyan ang pagmamahal ng ama sa anak, na paglalarawan din ng pag-alaga Niya sa atin.  

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.