FOMO alert, Ikaw ba ‘to?🤨
Narinig mo ba ang term na “rat race”? Ginagamit ito in the context of the world of finance, where a person has to keep working to keep earning money to have enough to eat. Well, totoo naman that we need to work hard and do our best para makaahon tayo sa kahirapan.
Kaso, sa panahon ngayon, baka ang pagsisikap natin ay hindi na lang dahil sa pangangailangan, kundi naaapektuhan na rin ng mga nakikita natin sa social media — mga posts o reels ng mga kakilala natin, o ng mga pina-follow natin. At dito pumapasok ang FOMO — or Fear of Missing Out. That’s why we believe our series this week — “Sana All: Social Media and Comparisons” — really matters. Naniniwala kami na matutulungan tayo nito to identify when we’re comparing ourselves with others, and to learn how to be content with what we have.
Let’s read this verse from the Bible:
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi ko kayo iiwan, ni pababayaan man.” Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin, “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao laban sa akin? (Mga Hebreo 13:5-6 ASD)
Nakikita mo ba? Ang isang paraan pala para maging kontento sa kung anong meron tayo is to always remember that the Lord will never leave us nor forsake us. In times when you feel inadequate or less than others, sabihin mo ito sa sarili mo: “Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, kaya hindi ako matatakot.” Hindi matatakot na maiwanan. Hindi matatakot na maunahan. Hindi matatakot na mahuli sa iba. In other words: no room for FOMO!
Then let’s also pray this: “Salamat, Lord. Dahil sa Iyo, pwede akong maging kontento—dahil hinding-hindi Mo ako pababayaan.” Amen.
Tandaan mo, isa kang miracle!