• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Ago 18, 2025

Feeling undeserving? ☹️ Read this!

Publication date Ago 18, 2025

Are there moments in your life when you tell yourself, 'I don’t deserve it'?" Parang may kulang sa’yo—kaya pakiramdam mo hindi ka dapat mahalin ni God, or that you’re not worthy to serve Him? 

Tamang-tama, ang bagong series natin this week ay, “Mga Piniling Alagad ni Jesus.” Titingnan natin paano tinawag ni Jesus ang Kanyang twelve disciples, at sana’y may makita tayong katotohanan kung ano ang pagtingin Niya sa atin. 

Basahin natin itong passage from the Gospel of Luke: 

Nang panahong iyon, pumunta si Hesus sa bundok at magdamag na nanalangin sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol. (Lucas 6:12-13 ASD

Then we get the names of the twelve disciples or apostles. 

To give you a background, sa panahon ni Jesus, ganyan talaga ang ginagawa ng mga guro—na tinatawag nilang rabbi (pronounced rab-bai). Ang mga rabbi ay pumipili ng mga tagasunod na sasama sa kanila 24/7. Hindi lang sila basta mga estudyante, kundi parang mga apprentice—nakikitira, kumakain, natutulog, at namumuhay kasama ng kanilang guro. Ganyan din ang naging setup ng relasyon ni Jesus sa Kanyang mga alagad.

So, what do we see from this passage? First, hindi lang pala ito basta-basta na lang na may nakasalubong si Jesus pagkatapos ay tinawag na lang Niya sila. Nalaman natin na may ginawa Siya bago Niya sila tinawag: magdamag Siyang nanalangin sa Diyos. This means Jesus was intentional about who He would call to walk with Him for the next three years.

Pero alam mo ba kung sinu-sino ang mga tinawag Niya at kung ano ang kanilang mga trabaho? May mga mangingisda, may tagasingil ng buwis, may isang tinatawag na “zealot” o pwedeng sabihing rebelde sa gobyerno, at may isa pa na nagtraydor kay Jesus sa huli. Lahat sila ay undeserving, pero pinili pa rin ni Jesus. Let’s thank Jesus for choosing us, too!

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.