Feeling mo ba ninakawan ka? 😩

Isa siguro sa pinakamasakit ang mawalan ng mahalagang bagay o tao sa buhay. Tama ba? And if the reason is death, the pain it gives inside seems unbearable. Dito din natin madalas na naiisip na the Lord doesn’t care and He doesn’t want to give good gifts to us.
Ito ang nangyari sa buhay ni Naomi sa Bible. Namatay ang kanyang asawa, si Elimelec, pati na ang kanyang dalawang anak na lalaki. Sa panahong iyon sa Israel, hindi maaaring magtrabaho ang isang babae, kaya nakasalalay siya sa kanyang asawa o mga anak na lalaki. Pero paano na ngayon, na wala na ang kanyang asawa at namatay na rin ang kanyang mga anak? At ang mga anak na ito ay may iniwan ding mga asawa!
Sa kwentong ito, pinauwi ni Naomi ang dalawang manugang sa kanilang mga tahanan. Pero pinili ni Ruth na manatili sa piling ni Naomi, at magkasama silang bumalik sa Israel, na parang dalawang pulubi.
At ito ang sinabi ni Naomi sa simula ng kuwentong ito:
…pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko. Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala…pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.” (Ruth 1:20-21 ASD)
Pero alam mo ba ang nangyari? Through Ruth, God made a way for Boaz, isang kamag-anak ng yumaong asawa ni Naomi, na pakasalan siya. Dahil dito, naibalik din sa linya ang lupain ni Elimelec. Sa huli, nakita ni Naomi ang pagiging mapagbigay ng Panginoon sa kanya, nang pinagkalooban siya ng manugang na katulad ni Ruth, na “nagmamahal sa iyo nang higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki (Ruth 4:15 ASD).”
Let’s say this aloud: “Lord, You give good gifts even when we don’t see it.”
Tandaan mo, isa kang miracle!

