Feeling mo ba laging galit 😡si God?

Friend, ano ba ang paningin mo sa Diyos? According to studies, your experience with your parents affect how you view God. Kung lumaki kang laging galit ang mga magulang, alam mo bang malamang ganoon din ang tingin mo sa Diyos?
Noong maliit ako, masunurin akong bata, kaya hindi ako laging napapagalitan. Pero sensitive din akong tao, kaya kahit kokonti lang ang mga panahong napagalitan ako, nanatili sa isip ko ang mga panahong iyon. Dahil dito nagkaroon pa rin ako ng takot na baka magalit sa akin si God dahil sa kung anu-anong kasalanan ko.
Buti na lang, unti-unting inayos ng Panginoon ang pananaw ko gamit ang mga katotohanan sa Bibliya. Basahin natin itong sumunod na bahagi ng Psalm 103:
Ang Panginoon ay mahabagin at matulungin,hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.Hindi siya palaging nanunumbat,at hindi nananatiling galit.Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan.Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. (Salmo 103:8-10 ASND)
Ang galing, hindi ba, Friend? Mahabagin at matulungin daw ang Panginoon, hindi madaling magalit, at sagana sa pagmamahal. Let’s savor the truth. Pwede mo itong bigkasin araw-araw, makakatulong ito sa pagbabago ng pananaw mo tungkol sa Panginoon.
At kung naranasan mo ang sakit ng panunumbat, in this Bible passage, makikita nating hindi palaging nanunumbat si Lord, at hindi Siya nananatiling galit. Isn’t this reason enough to praise Him?
At higit doon, ito pa ang isipin natin, Friend: natatakot ka bang parusahan ng Panginoon sa iyong mga kasalanan? The good news is, Jesus died for your sins, kaya hindi na Niya tayo gagantihan batay sa ating pagkukulang! Napakabuti ng Panginoon natin!
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

