Feeling Mo Ba, Burden Ka Lang?
Kumusta ka today? Minsan ba dumating sa point na pagod ka nang maging ikaw?
Hindi dahil ayaw mong mabuhay. Pero dahil ang bigat ng mga pinagdadaanan mo, pwedeng dumating sa isip mo ang, “Baka mas okay kung hindi na ako maging burden sa iba.
”As we wrap up our series, “Your Life is a Treasure,” gusto kong pag-usapan natin ang ilang bagay na maaaring nagpapahirap sa atin na paniwalaang mahalaga ang buhay natin.
Baka dahil ito sa mga karanasan natin. Baka may pinagdadaanan kang matinding sakit, o sitwasyong parang walang solusyon. Kaya, we apologize for being alive, for being a burden to those around us.
May paborito akong manunulat na pumanaw matapos niyang piliing wakasan ang kanyang buhay dahil ayaw niyang maging pabigat sa pamilya niya sa panahong tumatanda na siya at mas nangangailangan na siya ng tulong ng iba. Napakalungkot.
Pero ano ba ang sinasabi ng Panginoon sa atin?
“I will strengthen you, yes, I will help you, I will uphold you with My righteous right hand.” (Isaiah 41:10 NKJV)
Baka naman guilt at shame ang dala-dala mo. You keep apologizing for being alive because of the things you’ve done or the mistakes you’ve made. Pero dumating si Jesus para bigyan tayo ng tunay na buhay. And with Him, there is now no condemnation. (Romans 8:1)
O baka comparison naman. Naiisip mong you’re somehow less—less capable, less lovable, less worthy. And again, you find yourself apologizing for simply being alive. But God created you to be unique, with a purpose and the ability to do mighty things through Him. (Psalm 60:12)
O baka may sugat ka mula sa abuse—physically, emotionally, or spiritually kaya nawalan ka ng tiwala sa sarili, sa ibang tao, maging sa Kanya. Kaya hanggang ngayon hanggang ngayon, dala mo pa rin ang tanong na, “Kasalanan ko ba kung bakit nangyari iyon?”
Kung nakita mo ang sarili mo sa alinman dito, please remember: Don’t apologize for being alive. The Lord promises that He wants to heal you and deliver you; He wants the best for you!
Mahal na mahal tayo ng ating Ama sa langit, and He longs to restore us!
Kaya, Friend, ano ang bigat na matagal mo nang dala na kailangan mo nang ipagkatiwala sa Panginoon? At ano ang gusto mong maalala tungkol sa sarili mo kapag bumalik na naman ang mga kaisipang iyon?
Tandaan mo, isa kang miracle!