Feeling like life’s not worth it anymore? Teka lang, you’re not alone,
 
        May mga what ifs ka ba? Like, “Kung solid lang ‘yung faith ko, di na sana ako nawawalan ng pag-asa. Or, “Kung strong ako spiritually, dapat di na ako nalulungkot. Pero alam mo ba? Despair isn’t a sign of weak faith. Even the heroes of faith, nakaranas rin ng kawalan ng pag-asa.
As we close our series this week, “It’s OK Not to Be OK,” we want to re-emphasize this truth: it really is OK to admit that we’re not OK. Hindi nagugulat si Lord sa pinagdadaanan mo. In fact, mas gusto pa Niyang ipakitang nandiyan Siya, with you, no matter what you’re going through.
Today, basahin natin itong isinulat ni Paul— an apostle and missionary for Jesus during the days of the early church:
Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa. Ang akala namin noon ay katapusan na namin… (2 Mga Taga-Corinto 1:8-9 ASD)
See, inamin ni Paul na nawalan na sila ng pag-asang mabuhay pa. But let’s read the continuation aloud:
Ngunit nangyari ang lahat ng iyon upang matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Diyos na siyang bumubuhay ng mga patay. Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas.(2 Mga Taga-Corinto 1:8-10 ASD)
Isn’t this encouraging? Kahit nawalan na ng pag-asa sina Paul, iniligtas pa rin sila ng Panginoon — at tinuruan silang magtiwala sa Kanya. Pwede rin Niya ‘yong gawin sa’yo. Hindi kailangang perfect ang life mo. Hawak ka pa rin Niya — and it’s never about your performance, but His love.
Tandaan mo, isa kang miracle!
 
                                                             
        