Feeling left out?
Ano ba yung mga bagay na pinakamadali para sa’yo para masabi ang “Sana all”? Is it when you see someone buying a new gadget or clothes? Kapag may ibang nakakuha ng job na gusto mo rin, o may business na pinapangarap mo rin? Minsan, hindi lang ito tungkol sa achievements—pwede rin itong mangyari sa relationships.
Bata pa lang ako, madalas na akong nakakaramdam ng pagiging “out of place”. Lagi itong nangyayari sa pinakamatalik kong kaibigan.
Naaalala ko, unang beses nangyari ito noong 7 years old pa lang ako. Bumisita ang aming mga pinsan galing America at tumira sila sa amin ng dalawang buwan. Best friend ko noon ang kuya ko, pero mas magkaka-edad sila ng tatlo kong pinsan.
Isang araw, pumasok ako sa kwarto at nakita ko silang apat na masayang naglalaro at maingay na nagtatawanan. Pero nung dumating ako, wala man lang nag-invite sa’kin na sumali. Parang biglang tumahimik pa nga sila. Bata pa ako noon, kaya ang alam ko lang gawin ay umalis at umiyak sa kama ko. Nalaman ito ng mama ko kaya napagalitan silang lahat at sinabihang isali ako. Syempre, alam mo naman ang mangyayari kapag ganoon: pinasali nga nila ako, ramdam ko pa rin yung awkwardness at lamig sa atmosphere.
Bakit ko ba ito naikwento? Kasi naisip kong ang “sana all” ay pwede ring maramdaman sa mga times na we feel left out in friendships. Masakit din kasi kapag nangyari ito.
Pero ito ang good news: you’re not too much for Jesus. He sees everything inside of you (Psalm 139), and He enjoys you just as you are—mga katotohanang natutunan ko over the years of feeling rejected by other people.
Tandaan mo, isa kang miracle!