• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Nob 10, 2025

Feeling ghosted by everyone? Read this ASAP!😞

Publication date Nob 10, 2025

Parang invisible ka ba? ‘Yung tipong ikaw lang mag-isa ang nagdadala ng bigat ng mundo? Oo, gets ka namin — mahirap ‘yan! Pwede talagang mangyari ito, lalo na sa mga oras na busy ang loved ones natin — family, friends — tapos wala kang makausap about your thoughts or feelings. O minsan, kahit may kausap ka, parang wala pa rin talagang nakaka-gets sa pinagdadaanan mo. Parang gusto mo na lang isigaw, “Helloooo, anyone there?”

Sa kinalakihan naming environment kung saan hindi masyadong involved ang parents sa buhay ng mga anak, naging common thought pattern ito sa amin ni Mark. Madalas naming isipin na hindi kami naiintindihan. And because of that, nagiging cause talaga ito ng misunderstandings — because that’s what has been ingrained in our mindset.

Pero alam mo ba? Hindi pala yan totoo. It’s actually a lie to think na palagi na lang tayong misunderstood or unseen. Kasi may isang laging nakakakita at nakakaintindi sa’yo — si Lord ‘yon. Yan ang totoo!

Sa Bible, may kwento tungkol sa isang babaeng si Hagar. Kasambahay siya ng mayamang si Sarah, na asawa ni Abraham. Galit si Sarah kay Hagar at pinalayas nya ito, kasama ang anak nitong si Ishmael. Habang halos mamatay sa gutom at uhaw ang bata, na-encounter ni Hagar si Lord na tumulong sa kanya. Dito nya napatunayan na si Lord pala ang nakakakita sa kanya. Tingnan natin ang nasabi nya: 

Tinawag ni Hagar na “Dios na Nakakakita” ang pangalan ng PANGINOON na nakipag-usap sa kanya, dahil sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Dios na nakakakita sa akin sa lugar na ito?” (Genesis 16:13 ASND

Relate ka ba kay Hagar? Feeling lost and unseen? Good news: kahit ano pa ang nadarama mo, si Lord ang Siyang nakakita sa iyo.

Let’s practice praying this: “Lord, salamat na nakikita mo ako.” 

Isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.