Feeling Blocked in Life?
May plano ka ba sa buhay na gustong-gusto mong matupad, pero parang ang daming hadlang? Minsan kulang sa pera, oras, energy, o skills. Kahit anong sipag mo, parang ang hirap abutin ng goal na iyon.
Minsan, iniisip natin na kailangan lang natin ng mas maraming resources o mas magandang pagkakataon para mangyari ang plano natin. Pero what if may mas mahalagang bagay tayong kailangang unahin? What if kailangan munang baguhin ang paraan ng pag-iisip natin at kung paano natin hinaharap ang mga hadlang?
Tingnan natin ang sinabi ni David sa Bible:
Sa tulong nʼyo, o Diyos,kaya kong salakayinang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang paderng kanilang tanggulan. (2 Samuel 22:30 ASD)
Imagine that! Si David, na dating pastol at naging hari ng Israel, ay dumaan din sa maraming taon ng paghihintay, panganib, at frustration. Pinili siya ng Panginoon para maging hari, pero hindi agad nangyari ang pangako. Sa halip, may mga panahong kailangan niyang bumalik sa pagiging pastol at may mga pagkakataong kinailangan niyang tumakas para sa kanyang buhay.
Pero sa kabila ng lahat, patuloy na nagtiwala si David sa Panginoon.
Ano ang matututuhan natin sa kanya? Hindi niya itinuring na sapat ang sarili niyang lakas para harapin ang lahat ng laban sa buhay. Paulit-ulit sa mga awit niya, kinikilala ni David ang Panginoon bilang kanyang lakas, tagapagtanggol, at tulong sa panahon ng kagipitan. Sinasabi ni David na sa piling ng Panginoon, doon siya nananalo.
Maaari kayang ganito din ang kailangan mo sa buhay mo? Isang intimate, deep, and authentic relationship with God? Kaya sa bawat plano at desisyon mo, invite God in. Huwag mong hintaying maubos ang lahat ng options mo bago ka lumapit sa Kanya.
Anong hadlang sa buhay mo ang kailangan mong harapin ngayon kasama ang Panginoon, sa halip na umasa lamang sa sarili mong lakas?
Tandaan mo, isa kang miracle!