Familiar ka ba sa Old Testament? 📜

Friend, are you familiar with the Old and New Testaments in the Bible? Ito ang dalawang parts ng Bible natin; the New Testament begins with the Gospel of Matthew, na kung saan sinimulan ito sa pagkukwento ng pagkapanganak kay Jesus, at nagdedetalye ng buhay at mga gawa ni Jesus. Ito ang dahilan kung bakit may mga nagsasabi na sa New Testament lang daw makikita si Jesus.
Pero may kwento sa Bible about the time after Jesus died, and, unknown to some of his followers, He rose from the dead. May dalawang tagasunod Siyang naglalakad patungong Emmaus, at napakalungkot nila dahil namatay na ang pinagkakatiwalaan nilang tagapagligtas ng Israel.
Biglang nagpakita si Jesus at naglakad kasama nila, pero hindi nila Siya nakilala. Tinanong Niya ang mga ito kung bakit sila malungkot, at ikinuwento nila ang mga nangyari kay Jesus ng mga araw na iyon. At ito ang ginawa ni Jesus:
At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nasa Kasulatan tungkol sa kanya, mula sa mga isinulat ni Moises hanggang sa mga isinulat ng mga propeta. (Lucas 24:27 ASND)
Nakikita mo ba, Friend? Sa Old Testament makikita ang mga sinulat ni Moses at ng mga propeta. Pati pala ang mga ito ay tumutukoy kay Jesus, na darating pa lang ilang libong taon pa sa hinaharap. Kahit noon pa, alam na ng Panginoon ang Kanyang gagawin sa pagpapadala kay Jesus bilang tagapagbayad ng ating mga kasalanan, at kahit noon pa ay ipinapaalam na Niya ito sa Kanyang mga tauhan.
Friend, let’s practice this. Kapag nagbabasa ka ng Old Testament, tanungin mo si God, “Lord, alin dito ang naglalarawan kay Jesus? Ipakita Mo sa akin.” At isulat mo ang mga ito sa iyong journal o notebook.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

