Faith feeling low, 😑? Let’s level up together!
Sabi nila, bilang tagasunod ni Jesus, we have to have faith! Sabi pa nga sa Bible, “Without faith, it’s impossible to please God” (Hebrews 11:6 NIV). And that’s absolutely true! Kaya noong bago pa lang akong Christian, may mga panahon na natatakot ako na baka kulang ang faith ko. Even now, there are still moments when I wonder, “Lord, am I really pleasing You?” Ikaw ba, nakakaramdam ka rin ng ganyan?
This week, our series is, “Faith or Doubt?” We hope to look at the stories of a few people in the Bible who may also have struggled with their faith. Sana’y makatulong ito sa iyong makita na hindi ka nag-iisa sa mga sandaling parang mahina ang pananalig mo sa Kanya.
During these times, this Bible passage has been my source of strength. Let’s read this aloud together:
Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus. (Mga Taga-Filipos 1:6 ASD)
Sa mga panahong hindi ako sigurado kung matatag ang aking pananalig kay Lord, this verse reminds me that He is faithful to complete the work He began in me. That means I don’t have to stress about how to keep my faith strong—Si Lord mismo ang tutulong sa atin, at Siya mismo ang magpapatuloy ng mabuting gawaing sinimulan Niya sa atin.
Kung ngayon ay may konting pagdududa ka sa lakas ng iyong pananampalataya, let’s pray this together: “Lord, may mga pagkakataong nahihirapan akong manalig sa Iyo. Salamat dahil nakikita Mo ito at hindi Ka nagagalit. Sa halip, ipinangako Mong tutulungan Mo akong magkaroon ng mas malakas na pananalig sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!