Failure Isn’t Final
May mga mistakes na akala mo, doon na nagtatapos ang lahat—yung tipong mapapasabi ka ng, “Tapos na, hindi na ako makakabangon dito.” Parang sobrang bigat na hindi mo na alam kung paano babawi.
Ganito rin kaya ang naramdaman ni Peter, isa sa mga closest followers ni Jesus? Tatlong taon siyang kasama ni Jesus at ng iba pang mga tagasunod Niya. And he was very passionate about following Jesus. He promised never to leave Jesus, even if the others would leave Him.
Pero bago ang pag-aresto kay Jesus (na alam Niya na mangyayari, pero hindi alam ni Peter), sinabi Niya kay Peter na tatlong beses niya Siyang itatanggi. Hindi ito pinaniwalaan ni Peter—buo ang loob niya at handa pa raw siyang mamatay para kay Jesus.
Ngunit nang gabing inaresto si Jesus, nagkawatak-watak ang mga tagasunod Niya. Si Peter ay sumunod mula sa malayo at nagtago sa likuran ng mga tao. At gaya ng sinabi, nakilala siya ng isang katulong bilang kasama ni Jesus. Tatlong beses niya Itong itinanggi. Hanggang sa tumilaok ang manok, at naalala niya ang mga sinabi ni Jesus. Lumabas siyang umiiyak dahil sa kanyang nagawa. (Mateo 26:75)
Pero hindi doon nagtapos ang kwento niya.
Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, si Jesus mismo ang lumapit kay Peter—hindi para ipahiya siya, kundi para ibalik siya.
Kung may bahagi ng buhay mo na pakiramdam mo ay nasira na, tandaan mo ito: ang kabiguan mo ay hindi kailanman mas malaki kaysa sa pagmamahal ni Jesus. Pwede kang bumalik sa Kanya, at siguradong sasalubungin at yayakapin ka Niya.
Tandaan mo, isa kang miracle!