Ever wonder what He feels when you’re hurting? 😭
Kumusta ka sa ating series na ‘Dalamhati (Grief)? Sana ay nakatulong ito sa’yo, in whatever way you may have experienced loss in your life. And we’re even more hopeful if you have given yourself permission to truly feel the pain of what happened.
A few months ago, a Christian influencer was killed while speaking at a school in America. Habang nag-uusap kami ng aking mga church friends about grief, may nagkwento ng isang interview with that late person’s wife, where she displayed her inner strength. Akala ng iba, dahil Christian sila at ang strong niya sa mga interviews, hindi siya nagdadalamhati. Pero may nasabi daw siya about a habit they used to have as a couple—ang magsulatan ng love notes sa bathroom mirror—na sinasabi niyang isa sa pinakamalungkot na part ng everyday life niya, ang maalala ‘yon.
Sometimes ang way of thinking natin ay kapag Christian ka, hindi ka dapat malungkot kapag may namatay, dahil alam mo naman na darating ang time na magkikita ulit kayo sa heaven. Pero that doesn’t mean we don’t miss the person’s presence. The pain can still be unbearable— and God knows that. Let’s read this passage from the Bible:
Dahil hindi tayo itatakwilng Panginoon magpakailanman.Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habagat ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin.Dahil hindi siya natutuwana tayoʼy saktan o pahirapan. (Mga Panaghoy 3:31-33 ASD)
Nakikita mo ba? Si Lord mismo, hindi Siya masaya kapag nasasaktan o nahihirapan tayo. Ipapakita at ipaparamdam pa rin Niya ang Kanyang unfailing love for us.
Kaya kung nasa isang sitwasyon ka ngayon na napakasakit, run to Him. Kausapin mo Siya, umiyak ka sa Kanya. He wants to hold you in your pain.
Tandaan mo, isa kang miracle!