• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Set 3, 2025

ever felt unworthy pero pinatawad ka pa rin? 🥰

Publication date Set 3, 2025

Di ba the best feeling kapag napatawad ka sa kasalanang nagawa mo? Ikaw ba, naranasan mo na ba na may nagawang mali sa isang tao pero sa halip na pagalitan o ipahiya ka, pinatawad ka? Kapag ganyan, we expect the ones we wronged to get angry at us, which means it’s rare for anyone to extend grace in those kinds of situations.

Maaaring ito ang nangyari sa isang babae sa Bible na kilala sa pagiging makasalanan. Hindi sinabi kung ano ang kanyang karanasan kay Jesus, but since we see other examples of Jesus being kind to sinners and forgiving their sins, it’s very likely that she also experienced this from Jesus. Basahin natin ang kanyang ginawa: 

…Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro. Lumapit siya sa likuran ni Hesus sa bandang paanan at umiyak. Binasa niya ng luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango. (Lucas 7:37-39 ASD) 

Wow. Can you see how deep this gesture of love was? Hindi lang siya nagsalita ng pasasalamat, kundi kinuha niya ang posibleng pinakamahalagang bagay sa buhay niya—dahil sa panahong iyon, hindi basta-basta ang pabango, napakamahal nito.  At sa ibang paglalarawan ng pangyayaring ito, sinabi pang ang halaga nito ay parang isang-taong sahod. Kaya hindi ito maliit na alay. At, nakikita mo ba? Hindi pa nga siya nagsalita, kundi umiyak na lang siya sa paanan ni Jesus.

Kung alam mo lang ang lahat ng pinatawad ni Jesus sa iyo, malamang makakaramdam ka rin ng ganoong pasasalamat—yung kahit manalangin ka, wala kang masabi. OK lang pala iyon, dahil nakikita ni Jesus ang tunay na pasasalamat sa puso natin—at napakahalaga nito sa Kanya.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.