Are you in danger?

Kamusta? At peace ka ba ngayon, o may kaaway ka? Hindi naman laging tayo ang may pagkukulang kaya nagkakaroon ng alitan—minsan kahit wala tayong ginagawang masama, may mga taong nagagalit pa rin sa atin. Either way, it's a difficult place to be when someone is angry with us.
In our series this week, “Little Lessons sa Buhay ni David,” tingnan natin ang nangyari kay David ng may taong nagalit sa kanya. Matapos niyang patayin ang higanteng si Goliath, natuwa sa kanya ang buong Israel—pati na si Haring Saul. Kaya't kinuha siya nito to be a part of his household. Ngunit ang katuwaang ito ay naging pagseselos, nang marinig ni King Saul ang mga awit ng kababaihan na parang kinukumpara ang nagawa ni David sa kanyang mga nagawa—na para bang mas magaling ang batang ito.
Alam mo ba sunod na nangyari? King Saul started to have demonic attacks, kaya naghanap sila ng isang manunugtog upang makatulong sa kanya sa mga panahong iyon. At sino pa nga ba ang naging manunugtog niya kundi si David?
Basahin natin ang nangyari:
“Tumutugtog si David ng alpa gaya ng ginagawa niya bawat araw. May hawak noon na sibat si Saul, at dalawang beses niyang sinibat si David. Ang balak niyaʼy itusok si David sa dingding, pero nakailag si David at nakatakas. (1 Samuel 18:11 ASD)”
Aba, kung ikaw siguro ang nasa lugar ni David, baka matagal ka nang lumayas sa bahay ni Haring Saul, ano? Pero hindi agad umalis si David. Could this be why?
“Natatakot si Saul kay David dahil sinasamahan ito ng Panginoon… (1 Samuel 18:12 ASD).”
Nakikita mo ba? Even in danger of death, the Lord was with David. Baka ito din ang kailangan mong malaman ngayon: na kasama mo si Lord—kahit saan, kahit kailan.
Tandaan mo, isa kang miracle!

