Dream Again
Naaalala mo pa ba kung ano ang gusto mong maging noong bata ka?
Siguradong narinig na nating lahat ang tanong na, “What do you want to be when you grow up?” At habang lumalaki tayo, paulit-ulit din natin itong naririnig. Doctor. Nurse. Architect. Fireman. Policeman.
Funny, no? Noong bata tayo, ang dali nating mangarap. We never imagined saying, “Wala, sigurado akong walang magandang mangyayari sa buhay ko.”
Pero habang tumatanda tayo, something changes. Dreams that once felt so exciting can slowly become distant. Minsan dahil sa disappointments o dahil sa failures. Minsan dahil sa mga salitang narinig natin tungkol sa sarili natin. Hanggang sa hindi na tayo nangangarap tulad ng dati.
What about you? Do you still have dreams? Or may mga pangarap ka bang unti-unti mo nang binitawan?
I just want to remind you of something: the Spirit of God is inside of you. And dahil Siya ay isang napaka-creative na Panginoon, naniniwala kami na gusto rin Niyang bigyan ka ng creativity, energy, and joy para magawa mo ang mga bagay na nais Niyang gawin mo sa buhay mo.
Let’s pause and read this passage:
“Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin. (Mga Taga-Efeso 2:10 ASD)”
Think about that. Your abilities, gifts, strengths, limitations, and even your interests—lahat ito ay ibinigay sa iyo ng Panginoon. And He gave you these things for a reason—so you can use them to fulfill His plans and purpose for your life.
So maybe it’s time to dream again.
Napakalaki ng Panginoon natin. Believe again. Hope again. Dream again.
So, baka may pangarap sa puso mo na panahon na para muli mong paniwalaan at ipagkatiwala sa Kanya. What’s one step of faith you can take today?
Tandaan mo, isa kang miracle!