• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Dis 24, 2025

Draw the line. Set your healthy boundaries 🚪

Publication date Dis 24, 2025

Christmas eve na! Ano ang plano mo ngayong Noche Buena? May salu-salo ka bang pupuntahan, naghanda sa bahay nyo, o baka naman may trabaho ka pa?

As we continue our series, “Strong and Safe Relationships,” let’s talk about boundaries. Isa ito sa pinakamahirap intindihin para sa isang Pinoy na lumaki sa kulturang parang lahat ay laging nagtutulungan at nag-aasahan sa isa’t isa. Maganda naman ang kulturang ito, pero kapag hindi natin alam ang concept of boundaries, pwede itong magdulot ng problema sa relationships natin.

Ano nga ba ang boundaries? Simply put, it’s knowing where one person starts and another ends. Ibig sabihin, dapat alam mo kung alin ang responsibilidad mo at alin ang sa iba. For example, I’m responsible for the choices I make in my life, pero ang desisyon ng ibang tao sa buhay nila, hindi ko hawak, hindi ko responsibilidad.

Basahin natin itong verse: 

Mapanganib ang nanghihimasok sa gulo ng may gulo, ito ay tulad ng pagdakma sa tainga ng aso. (Kawikaan 26:17 ASD)  

Isa ito sa mahirap gawin nating mga Pinoy—ang mag-set ng boundaries. Dahil sa kulturang pagtutulungan, kadalasan mahirap malaman kung hanggang saan ang wise na pagtulong sa kapamilya. Halimbawa, sa mga financial needs. Marami sa atin ang hindi na nakaka-save nang maayos kasi nauubos ang income sa pagtulong sa ibang family members—kahit minsan may kakayahan naman silang magtrabaho at kumita.

A baby step would be to pray to the Lord to guide us on where to set our boundaries. Hindi lang ito sa pera, kundi pati na rin sa kung alin sa mga bagay ang atin at alin ang hindi. Hindi ito madali, pero if we want strong and safe relationships, we really need to learn how to set healthy boundaries.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.