Don’t worry, He will make all things right!
Kapag may nakikita kang mali, are you just a bystander, or do you feel affected and actually do something about it? Sa mga current issues dito sa bansa natin—like corruption—or kahit sa mga nangyayari sa community natin, or even at home like cheating or lying, nararamdaman mo ba ’yung bigat sa dibdib?
Alam mo bang ayaw na ayaw rin ni Lord makakita ng mali? Minsan, akala natin He’s just turning a blind eye to the bad things happening.
Pero ang totoo, nakikita Niya ang lahat; let’s read what the Bible says:
Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa. (Mga Taga-Roma 2:6 ASD)
“Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa, darating ang araw na ang lahat ng tao ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos.” Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa. (Mga Taga-Roma 14:11-12 ASD)
Hindi ito pananakot—good news ito, to know that God is not blind to everything that’s happening. At hindi lang ito tungkol sa punishment, kasi tinanggal na Niya ang punishment for those who put their trust in Him. But He is also just in rewarding us:
“Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya. (Pahayag 22:12 ASD)
Alam Niya ang lahat ng nangyayari—He is the Righteous Judge who will repay everything and make all things right again.
Kung may mga masamang nangyari sa iyo, ikwento mo ito sa Kanya. Sana'y malaman mong hindi Siya nagsasawalang-kibo sa mga ganitong bagay; Siya mismo ang aayos ng lahat ng ito. Pwede nating dasalin ito, “Lord, salamat dahil isa kang Righteous Judge, always and forever. At nananalig akong aayusin mo ang lahat ng mali sa mundo.”
Tandaan mo, isa kang miracle!