• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hul 11, 2026

Self-Care Without Guilt

Publication date Hul 11, 2026

Kumusta ang pag-alaga mo sa sarili? Do you feel guilty when you take care of yourself? 

Marami sa atin ang madalas nakakaramdam ng guilt kapag kailangan natin ng time para sa sarili. Maybe because we grew up being taught to put others first. Mahalaga ang matutong isipin ang kapwa, pero hindi ibig sabihin nito na isasantabi natin ang sariling mental health para lang sa iba.

Totoo kayang mas nakakaramdam ng guilt ang mga panganay na babae sa pamilya? Dahil nasanay silang laging iniisip ang kanilang mga kapatid at madalas na napapabayaan ang sariling pangangailangan?

May kaibigan akong panganay na babae. Nagkuwento siya tungkol sa ilang kilala niyang panganay din, at hindi lahat ng kwento ay masaya. May pinsan siya na sa sobrang pag-aalaga sa mga kapatid at magulang, nakalimutan na alagaan ang sarili. May mga nararamdaman na pala siya noon, pero pinili niyang huwag magpatingin sa doktor. Huli na nang malaman na cancer na pala ito at nasa huling stage na.

Hindi naman sinasabing mangyayari iyon sa lahat. Pero isa lang itong halimbawa ng posibleng mangyari when we feel guilty taking care of ourselves.

In the Bible, Jesus Himself goes away early in the morning to be by Himself and pray (Mark 1:35, Luke 5:16). May mga panahon din na hinahanap Siya ng Kanyang mga alagad dahil marami pang taong humihingi ng kagalingan. Pero alam Niya kung ano ang dapat unahin, at kung ano ang nagbibigay sa Kanya ng lakas para patuloy na makapaglingkod sa iba.

As we wrap up this series on “Self-Care,” Friend, we hope nakapag-isip ka na kung ano ang mga pwede mong gawin para maalagaan ang sarili mo. At sana lalo itong makatulong sa iyo to be a true blessing to others.

Tandaan mo, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.