• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • JA Japanese
    • KO Korean
    • MG Malagasy
    • MM Burmese
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu
Publication date Hun 6, 2026

Praying – Talk, Not Task!

Publication date Hun 6, 2026

Isang obligasyon—katulad namin noon, ganito rin ba ang naging pagtingin mo sa pagdarasal? Naaalala ko noong bata ako, may mga kasambahay kaming nagro-rosary every night kasabay ng programa sa radyo, at sumasali rin ako sa kanila. This was before YouTube and social media reels! Tanong lang: do any of you still listen to the radio? Hindi ko naman sinasabing ang lahat ng nagdarasal nang ganoon ay dahil obligasyon lamang ito, pero pwede itong mangyari kapag ang pagdarasal ay hindi nagdudulot ng paglapit ng puso natin sa Panginoon.

As we close our series this week, “Finding Peace Through Prayer,” titingnan natin ang isang katotohanan about prayer: even Jesus Himself often went to a private place to pray. Basahin natin itong nakasulat sa Bible: 

Kinabukasan ng madaling-araw, bumangon si Hesus at pumunta sa ilang upang manalangin. Hindi nagtagal, hinanap siya nina Simon at ng mga kasamahan niya. Nang matagpuan nila si Hesus, sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng lahat.” (Marcos 1:35-37 ASD

In this Bible passage, we can see that Jesus’ disciples went looking for Him, at ang nasa isip nila, ang daming naghahanap kay Jesus. Which is understandable, dahil pinagaling Niya ang mga maysakit, kaya kung nasaan man Siya, pumupunta ang napakaraming tao upang humiling ng kagalingan. Pero kahit gaano pa kahalaga ang pagtulong sa mga tao, hindi kailanman hinayaan ni Jesus na mahinto ang Kanyang pakikipag-usap sa Ama Niya sa langit, which He continued to do by going away to a private place to pray.

Ikaw ba, gusto mo rin bang matutunan na magdasal dahil gusto mo, at hindi dahil isa lamang itong obligasyon? Could it be that one important ingredient is to see prayer as a way of talking to God as a Father and a Friend?

Tandaan mo, isa kang miracle!

Isa kang miracle!

Yen Cabag
Author

Homeschooling mom and author committed to finding beauty and creating beauty.