Do you want to be spiritually mature?
Nakaka-amaze ang paglaki ng isang bata. Mula sa unang hakbang, hanggang sa pagtakbo, at unang araw sa school—ang saya!
Pero kapag ang isang tao ay parang walang pagbabago, nakakadismaya, ‘di ba? Alam mo ba na isa ito sa mga bagay na binanggit ng apostle Paul sa early church? Ito ang sinabi niya:
Gatas lamang ang ibinigay ko sa inyo, hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi pa ninyo ito kaya. Hindi pa kayo handa dahil makamundo pa rin kayo. Nag-iinggitan at nag-aaway-away kayo. Hindi baʼt patunay ito na makamundo pa rin kayo at namumuhay ayon sa laman? (1 Mga Taga-Corinto 2:2-3 ASD)
Naku, ang inggitan at pag-aaway pala ay isang sign of immaturity. Admit it or not, common ito sa atin. Pero huwag madismaya—gusto tayong tulungan ni Lord to grow in maturity. For example, sinabi Niya sa Bible na binigyan Niya tayo ng iba’t-ibang tao at mga pinuno sa simbahan para maabot natin ang “pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at ganap na lumago sa espirituwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Kristo.” (Mga Taga-Efeso 4:13 ASD)
Basahin natin ang kasunod nito:
At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian. Sa halip, ipapahayag natin ang katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay higit tayong maging katulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya. (Mga Taga-Efeso 4:13-16 ASD)
Ito pala ang gusto ni Lord sa atin. Let’s pray: “Lord, help me grow in maturity. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!