Do You Trust God Enough?
Naaalala mo pa ba noong bata ka, at tinatawag ka ng nanay o tatay mo para utusan? Minsan, ang bilis nating sumunod.
Interesting, di ba? Mas madali tayong sumunod kapag nagtitiwala tayo sa taong nagbibigay ng instruction. Kapag alam nating mahal tayo at hindi niya tayo ipapahamak, mas madaling sabihin, “Okay, susunod ako.” Ganito rin kaya ang relationship natin sa Panginoon?
Hindi naman ibig sabihin na laging tama ang mga magulang natin. Pero ang relationship natin sa ating parents can sometimes influence how we see God.
Bakit natin pinag-uusapan ito? Kasi, in our series “Lord, I Want to be Whole,” we’re learning that our obedience to the Lord can also affect the peace we experience in our lives.
At ito ang pangako Niya para sa atin:
Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.” (Juan 10:10 ASD)
Kaya makikita natin na kahit ano pa ang utos ng Panginoon sa atin, para rin ito sa kabutihan natin. Mas nagiging madali nating sundin ang kalooban Niya kapag alam nating hindi Niya nais ang anumang ikasasama natin, kundi ang ating ikabubuti.
May ipinapagawa ba ang Panginoon sa’yo ngayon na nahihirapan kang sundin?
Let’s pause for a while and talk to Him. Let’s pause for a moment and talk to Him. Read John 10:10 again. Then tell Him honestly about your fears and doubts.
You can pray: “Lord, I want to obey You. Please give me the strength to do what You want me to do. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!