Do you talk to God, Friend?🙏

Friend, kapag narinig mo ang salitang prayer, what comes to your mind? Do you think of memorized lines, or rituals, or prayer books?
Noong bata ako, binilhan ako ni mama ng prayer book. Tuwing gabi, paulit-ulit ko itong binabasa at dinarasal — partly because I already had a hunger for God, also because I felt it was my duty, and out of some fear that if I didn’t pray, something bad might happen. Akala ko noon, ang prayer ay ang paulit-ulit na pagsasabi ng mga panalanging isinulat ng mas ispiritwal na tao, gaya ng mga pari or other religious leaders.
Pero nang pumasok ako ng high school, may dalawa akong classmates na Christian. They shared with me that Christianity is not about a list of do’s and don’ts, but a relationship with Jesus. Tinuruan nila akong mag-pray na hindi lang iisa ang laman, kundi totoong nakikipag-usap kay Lord. Simula noon, umiba ang panalangin ko. At sa patuloy na pakikipag-usap sa Kanya, that’s where I also developed a friendship with Jesus.
Tingnan natin ang ilang mga nakasulat sa Psalms:
Tumawag ako sa inyo Panginoon at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal na bundok. (Salmo 3:4 ASND)
O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak.Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari,dahil sa inyo lamang ako lumalapit.Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan. (Salmo 5:1-3 ASND)
Hindi ba’t magagandang halimbawa ito ng confident approach to God — reaching out to talk to Him? Let’s practice it today, Friend: just talk to God as you would to a close friend.
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

