Do you pray for other people? 😒

Friend, kapag nagdadasal ka, ano ang mga laman ng panalangin mo? Noong bata ako, laging paulit-ulit ang prayers ko. Nagsimula ito sa pagbasa ng prayer book, at umabot din sa paulit-ulit na paglista ng lahat ng mga taong mahal ko sa buhay, hinihiling kay Lord na pagpalain Niya sila.
Hindi naman pala mali itong pagdarasal ko, dahil gusto din ni Lord na kapag nanalangin tayo, dinadala natin sa Kanya ang ibang tao. In English, it’s called “intercession,” and we can intercede for individuals, families, groups of people, and even entire nations. Sa simpleng paraan, isa itong pagkakataon upang kausapin si Lord tungkol sa nais nating mangyari sa mga taong ito.
Basahin natin itong verse:
Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan nʼyo at ipanalangin ang isaʼt isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid (Santiago 5:16 ASND)
Friend, ngayon ba, may pumapasok sa isip mo na taong nangangailangan ng tulong ni Lord? Pwede mo itong dalhin sa pagdarasal. Maaari mong dasalin ito, “Lord, naiisip ko ngayon si _____. Pwede Mo po siyang tulungan sa problema niyang _______. Sana po bigyan Mo siya ng _________. In Jesus’ name, amen.”
You can also use Bible verses to pray for other people, gaya nitong panalangin ni Paul sa mga simbahan:
…walang tigil ang pasasalamat ko sa Dios dahil sa inyo. At lagi ko kayong ipinapanalangin. Hinihiling ko sa Dios, ang dakilang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, para lalo nʼyo pa siyang makilala. Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan para maunawaan nʼyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga pinabanal. (Efeso 1:16-18 ASND)
Tandaan mo, Friend, isa kang miracle!

