• TL
    • AR Arabic
    • CS Czech
    • DE German
    • EN English
    • ES Spanish
    • FA Farsi
    • FR French
    • HI Hindi
    • HI English (India)
    • HU Hungarian
    • HY Armenian
    • ID Bahasa
    • IT Italian
    • MG Malagasy
    • NL Dutch
    • NL Flemish
    • NO Norwegian
    • PT Portuguese
    • RO Romanian
    • RU Russian
    • SV Swedish
    • TA Tamil
    • TH Thai
    • TL Tagalog
    • TL Taglish
    • TR Turkish
    • UK Ukrainian
    • UR Urdu

Friend, naranasan mo na bang makabili ng bagong bagay, gadget man o appliance  na hindi mo tiningnan ang user manual at naging dahilan ito ng iyong pagkalito sa paggamit nito? O nakaranas ka bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam ang direksyon, at walang internet para makapag- GPS ka? Hindi ba’t nakakalito kapag hindi ka sigurado kung ano ang dapat mong gawin? 

Sa buhay, may ganito din tayong pakiramdam: mahirap kapag walang gabay. The good news is, God wants to guide us, and prayer is one way kung saan pwede tayong humingi sa Kanya ng tulong at gabay. 

Tingnan natin ang ilang halimbawa galing sa Bible: 

Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamamaraan,ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas.Kayo ang lagi kong inaasahan. (Salmo 25:4-5 ASND

at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon. (Isaias 30:21 ASND)

Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.  (Isaias 58:11 ASND

Nakikita mo ba, Friend? Maaasahan mong gusto kang patnubayan ni Lord. Today, we challenge you with this: choose one of the verses above, and read it aloud several times throughout the day — perhaps before every meal and before going to bed. 

Pwede mo rin itong gamitin bilang panalangin sa mga pinagdadaanan mo ngayon, gaya nito: “Lord, ipinangako mo sa Bible na ituturo Mo sa akin ang tamang daan. Kailangan ko ng gabay Mo sa ______. Salamat, Lord. In Jesus’ name, amen.” 

Tandaan mo, Friend, isa kang miracle! 

Isa kang miracle!

Mark & Yen Cabag
Author

Homeschooled ang aming 3 active and creative boys. Isang strength namin ang pagiging lifelong learners.